Quo warranto petition sa ABS-CBN at VFA termination tatalakayin at dedesisyunan sa summer session ng SC sa Baguio City
Sa summer en banc session ng Supreme Court (SC) sa Baguio City na tatalakayin ang isyu sa Visiting Forces Agreement (VFA) termination at quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN network.
Ayon sa isang source, isasagawa ang summer en banc session sa Baguio City sa Abril 14 ngayong taon.
Ang usapin daw sa VFA ay isasalang sa oral argument sa isasagawang summer session.
Habang ang desisyon naman sa quo warranto petition laban sa ABS-CBN ay sa Baguio City na rin iaanunsiyo.
Ngayong araw sa en banc session dito sa Korte Suprema ay posibleng hindi muna isailalim sa deliberasyon sa usapin kaugnay sa kahilingan ng OSG na mag-issue ng gag order ang SC laban sa ABS-CBN.
Sa mga sandaling ito ayon sa source ay wala pa naman daw umiikot na draft resolution o desisyon kaugnay sa usapin sa isyu ng ABS-CBN at VFA termination.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.