Complete lockdown sa buong Metro Manila tinutulan ng isang mambabatas

Hindi sang-ayon si House Minority Leader Benny Abante sa rekomendasyon ni Albay Rep. Joey Salceda na i-lockdown ang buong National Capital Region (NCR) para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Abante, hindi dapat ipatupad ang complete lockdown sa buong Metro Manila dahil ito ang sentro ng ekonomiya at pampulitika ng bansa.

Paliwanag nito, hindi dapat maparalisa ang bansa habang gumagawa ng paraan para mabantayan ang kalusugan ng publiko.

Sa halip na lockdown ay iminungkahi ni Abante sa pamahalaan na ikunsidera ang pagpapaaga gg summer vacation ng mga estudyante.

Pinakukunsidera din ng kongresista sa gobyerno na aralin ang pagpapatupad ng work from home arrangements at paggamit ng skeletal staffing patterns para mabawasan ang person-to-person contact upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Naniniwala naman ang lider ng minorya na sapat na ang deklarasyon ng pangulo na isailalim sa State of Public Health Emergency ay tama at sapat na para obligahin ang lahat na gawin ang mga kinakailangang pag-iingat.

Read more...