Mga residente sa US na edad 60 pataas pinayuhang manatili na lang sa bahay at mag-imbak ng pagkain

By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2020 - 12:19 PM

Pinayuhan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang mga mamamayan sa Estados Unidos na mag-imbak ng maraming pagkain at gamot.

Ayon sa CDC, sa mga susunod na taon mas maarami pang tao ang malalantad sa COVID-19.

Dahil dito, inirekomenda na ni Dr. Nancy Messonnier, director ng National Center for Immunization and Respiratory Diseases ng CDC na mabuting manatili na lang sa tahanan ang mga edad 60 pataas.

Sila kasi ang pinakalantad sa sakit.

Base sa datos ng WHO, sa 70,000 kaso ng COVID-19 sa buong mundo, 2 percent lang dito ang mga edad 19 pababa.

Ibig sabihin, seryoso ang banta ng COVID-19 sa mga edad 60 pataas.

Sa rekomendasyon ng CDC ang mga residente na mayroong exisiting na sakit ay dapat mag-imbak na ng gamot, household items at groceries at manatili na lang sa bahay.

TAGS: CDC, Centers for Disease Control and Prevention, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, CDC, Centers for Disease Control and Prevention, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.