Dalawa sa mga pasyente ng COVID-19 sa bansa kritikal ang kondisyon
Nanatili sa kritikal na kondisyon ang dalawa sa nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kabilang ang dalawang ito sa 24 na COVID-19 confirmed cases sa Pilipinas.
Ayon kay Duque, kritikal ang kondisyon ngayon ng 87-anyos na American citizen dahil sa existing medical problems, gayundin ang 67-anyos na lalaki mula San Juan City dahil sa na may diabetes, accute kidney injury, at hypertension.
Pinasinungalingan naman ni Duque sa ambush interview ang mga balitang isa sa mga positibo ang namatay na.
Tiniyak ni Duque na handa ang pamahalaan para labanan ang outbreak Sa kabila nang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
May structure aniya silang mahigpit na sinusunod hanggang sa barangay level upang sa gayon ay maiwasan ang ang tuluyang pagkalat ng sakit na ito sa iba pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.