LOOK: Pag-disinfect sa mga tren ng MRT-3
Puspusan ang ginagawang mga hakbang ng MRT-3 upang siguruhin ang kalinisan sa mga pasilidad nito upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at maging ligtas ang mga pasahero nito.
Araw-araw ang ginagawang pagdi-disinfect ng mga tauhan ng MRT-3, kasama ang mga tauhan ng Sumitomo-MHI-TESP, sa loob ng mga tren.
Ginagawa ang pagdi-disinfect sa turnback sa North Avenue station na tumatagal ng 2-3 minuto.
Anim na tauhan ang naka-assign upang maglinis sa loob ng bawat tren. At kabilang sa nililinis ang mga handstrap, handrail at mga upuan.
Sa mga istasyon, naglagay din ng mga alcohol sa mga ticket windows, habang may mga sabon naman sa loob ng mga restrooms’ na maaaring gamitin ng mga pasahero.
Pinaaalalahanan ng MRT-3 ang lahat ng pasahero na regular na maghugas ng kamay, kumain ng mga masusustansyang pagkain, at uminom ng bitamina upang lumakas ang resistensya, at nang sa ganun ay maiwasan ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.