Senator Grace Poe, gustong magkaroon ng libreng mobile alerts para sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2020 - 11:15 AM

Nais ni Senator Grace Poe na magkaroon ang Department of Health at NDRRMC ng libreng mobile alerts sa publiko kaugnay sa COVID-19.

Naghain ng resolusyon sa senado si Poe at sinabing sa ilalim ng RA 10639 o The Free Mobile Disaster Alerts Act ang mga cellphone service providers ay dapat libreng nagpapadala ng alerts kapag may kalamidad.

Dapat aniyang aplikable na ito sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa dahil sa COVID-19 scare.

Mahalaga ani Poe na mabigyan ng sapat at tamang impormasyon ang publiko tungkol sa nasabing sakit.

Maiiwasan din ang mass hysteria kapag may tamang impormasyon na ipinadadala sa mga tao.

 

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, doh, free mobile alerts, Health, Inquirer News, NDRRMC, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, doh, free mobile alerts, Health, Inquirer News, NDRRMC, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.