Cagbalete Island at iba pang tourist sites sa Mauban, Quezon pansamantalang isinara sa publiko

By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2020 - 10:01 AM

Isinara muna sa publiko ang Cagbalete Island sa bayan ng Mauban sa lalawigan ng Quezon.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ng State of Public Health Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19.

Maliban sa Cagbalete Island ay sarado na rin muna sa publiko ang iba pang tourist sites sa Mauban base sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tatagal ang closure hanggang sa March 23, 2020.

Inatasan na rin ang MDRRMC at Municipal Tourism Office na sabihan ang mga business at resort owners hinggil sa temporary closure.

Pinatitiyak din sa mga resort owners na magpapatupad sila ng rebooking sa mga kliyenteng may petsa na nang pagbisita sa isla.

TAGS: cagbalete islands, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, mauban quezon, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, cagbalete islands, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, mauban quezon, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.