Pagkasawi ng isang pasyente ng COVID-19 kinukumpirma pa ng DOH
Kinukumpirma pa ng The Department of Health (DOH) ang mga ulat na mayroong isa pang pasyente ng COVID-19 ang nasawi.
Ang pasyente na sinasabing pumanaw na ay ang 86 anyos na American national na residente ng Marikina City at na-admit sa The Medical City.
Ang naturang pasyente ay mayroon ding pre-existing hypertension, at may history ng pagbiyahe sa United States at South Korea.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na base sa kaniyang natanggap na balita, pumanaw ang pasyente kaninang umaga pero pinapa-validate pa niya ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.