Pagtanggap ng live studio audience sinuspinde na ng ABS-CBN
Simula ngayong araw, March 10 hindi na muna tatanggap ng live studio audience ang ABS-CBN sa kanilang mga live TV programs.
Sa pahayag ng ABS-CBN, ang hakbang ay kasunod ng deklarasyon ng pamahalaan ng state of public health emergency dahil sa COVID-19.
Kabilang sa mga programang hindi na muna tatanggap ng live studio audience ay ang “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Banana Sundae,” at “I Can See Your Voice”.
Sinabi sa pahayag na pangunahing prayoridad din ng network ang kaligtasan at kalusugan ng mga audience, artists, crew at production teams.
Ang naturang hakbang ay sinimulan na ring ipinatupad kahapon ng noontime show sa GMA-7 na Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.