Tatlo na ang nasawi sa Colombia dahil sa Zika virus
Kinumpirma ni Alejandro Gaviria, health minister ng Colombia, sa Medellin, isang babae at isang lalaki ang nasawi noong nagdaang linggo matapos makaranas ng sintomas ng Guillain-Barré Syndrome (GBS) na nagresulta sa panghihina ng kanilang muscle at kalaunan ay nagresulta sa pagkaparalisa.
Isang lalaki naman ang nasawi noong Nobyembre 2015.
Ang tatlong nasawing mga pasyente ay pawang nagpositibo sa Zika virus.
Sinabi ni Gaviria na nakapagtala na sa Colombia ng nasa 100 kaso ng GBS na pinaniniwalaang may kaugnayan sa Zika virus.
Sa kabuuan, ang Colombia ay mayroong mahigit 20,500 na kumpirmadong kaso ng Zika infection.
Ang Guillain-Barré-related deaths ay itinuturing na ‘rare’ pero ayon kay Gaviria sa mga nagdaang kaso na naitala sa Colombia kamakailan, natuklasan nilang hindi nakatutulong sa mga pasyente ang ‘traditional treatments’ para sa nasabing sakit.
Ang Zika virus ay unang naiulat na may epekto sa mga sanggol na nasa sinapupunan.
Sa sandali kasing dapuan ng Zika ang isang buntis, magkakaroon ng birth defect na microcephaly ang kaniyang isisilang na sanggol.
Sa ngayon, wala pa lamang kaso ng microcephaly sa Colombia ayon kay Gaviria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.