3 sa 24 na kaso ng COVID-19 sa bansa mula sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz March 10, 2020 - 07:30 AM

Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na tatlo sa 24 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay mula sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, isa dito ay residente ng Baler Street sa District 1 at ang ikalawa ay residente ng Victoria Tower sa Timog Avenue.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Belmonte na naka-quarantine na ang pamilya ng pasyenteng taga-Baler na walang travel history.

Ani Belmonte, kahapon ay nagsagawa naman sila ng disinfection sa Victoria Tower kung saan naman nakatira ang ikalawang pasyente.

Ang partikular na lokasyon ng ikatlong residente ay patuloy pang inaalam pero ani Belmonte ito ay may history ng pagbiyahe sa Switzerland.

Habang ang health department ng Quezon City ay naatasan na kapanayamin ang mga kapamilya ng tatlo.

 

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.