Pito sa kada 10 residente, pabor na hatiin ang Barangay Muzon sa apat

By Ricky Brozas March 10, 2020 - 04:01 AM

Pabor ang mayorya ng mga residente sa Barangay Muzon na hatiin sa apat ang kanilang barangay.

Ayon sa survey na ginawa ng grupong Pinoy Aksyon PH sa 100 na residente ng Barangay Muzon sa San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan, 70% o pito sa kada 10 sa kanila ay pabor sa paghahati sa nasabing barangay.

“Alam ng mga residente na dapat gawin ito para mas maging maayos ang pamamahala sa lugar. Kapag nahati ang Muzon, mas magiging madali ang pagpapatupad ng mga batas o ordinansa at mas matutukan din ang pagbigay ng serbisyo sa bawat mamamayan. Walang maiiwan,” sabi ng tagapagsalita ng grupong si Em Rose Guangco.

Ang Barangay Muzon ay isa sa pinakamataong barangay sa SJDM. Mahigit sa 100,000 ang nakatira rito. Kamakailan lang ay napabalita na inihain na rin sa Kamara ni SJDM Rep. Florida “Rida” Robes ang panukalang paghahati ng Barangay Muzon sa apat na distrito. Ito ang iminumungkahi ng House Bill No. 2379. Ang Barangay Muzon ay magiging Barangay Muzon Proper, Barangay Muzon East, Barangay Muzon West, at Barangay Muzon South.

Paliwanag ni Congresswoman Robes, “Ang tanging layunin ng hakbang na ito ay ang mas mabuting pamamahala at mas marami pang benepisyo sa ekonomiya ng SJDM. Mas madaling mababantayan ng ating mga local leaders ang isang barangay na nasa tamang laki lamang.”

Sa ilalim ng batas, ang isang barangay at binubuo ng 2,000 o mahigit na residente.

“Sa kaso ng Barangay Muzon, sobra-sobra na ‘yung mga nasasakupan nito. Hindi na kakayanin ng isang barangay leader at ng kanyang sanggunian nang mahigit na 100,000 na tao,” dagdag ni Congresswoman Robes.

Ang paghahati sa apat ng Barangay Muzon ay magbibigay daan rin sa mas mabisang pagpapatupad ng programang pang-ekonomomiya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan para sa mga residente ng kada distrito.

Nagpapasalamat naman ng Pinoy Aksyon PH sa pagsuporta ni Congresswoman Robes sa panawagan nila sa paghahati ng Barangay Muzon. Sabi ni Guangco “Nakakagalak na ang ating kongresista ay talagang nakikinig sa mga saloobin namin. Ang LGU ay ang aming pinakamalakas na katuwang sa aming adbokasiya.”

 

TAGS: barangay muzon, four parts, san jose del monte, barangay muzon, four parts, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.