Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Manila International Airport Authority (MIAA) na i-wave muna ang take-off, landing, at parking fees na binabayaran ng local airlines.
Malaki-laki na kasi ang nawala sa mga airline dahil sa mga travel ban na umiiral bunsod ng COVID-19.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, aabot sa P58 million ka buwan ang nakukulekta ng pamahalaan sa landing, take-off at parking fees mula sa local carriers.
Pag-aaralan pa ng MIAA at CAAP kung gaano katagal ipatutupad ang pag-wave sa naturang mga bayarin.