Paniningil ng take-off at landing charges sa mga local airline sinuspinde na ng CAAP at MIAA
Hindi na muna sisingilin ng take-off at landing fee pati na ng parking fee ang mga local airline na labis na apektado ng COVID-19 scare.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Manila International Airport Authority (MIAA) na i-wave muna ang take-off, landing, at parking fees na binabayaran ng local airlines.
Malaki-laki na kasi ang nawala sa mga airline dahil sa mga travel ban na umiiral bunsod ng COVID-19.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, aabot sa P58 million ka buwan ang nakukulekta ng pamahalaan sa landing, take-off at parking fees mula sa local carriers.
Pag-aaralan pa ng MIAA at CAAP kung gaano katagal ipatutupad ang pag-wave sa naturang mga bayarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.