Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 24 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa press conference, Lunes ng gabi, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-anunsiyo na apat pa ang nadagdag sa COVID-19 cases sa Pilipinas.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 24 ang COVID-19 cases sa bansa.

Isinagawa ng pangulo ang anunsiyo matapos ang isinagawang meeting kasama ang ilang health officials.

Nauna rito, Lunes ng tanghali, 10 kaso ang nadagdag sa bilang ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Read more...