Pangulong Duterte, sinuspinde ang klase sa Metro Manila bunsod ng COVID-19

By Angellic Jordan March 09, 2020 - 11:41 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Sinuspinde ng Palasyo ng Malakanyang ang klase sa Metro Manila bilang pag-iingat sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang press conference sa Malakanyang, Lunes ng gabi.

Sakop aniya nito ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila.

Gayunman, sinabi ng pangulo na home study muna o kailangang ipagpatuloy ng mga estudyante ang pag-aaral sa kanilang bahay.

Hindi naman pinaboran ng pangulo ang panukalang suspensyon ng pasok sa tanggapan ng gobyerno.

TAGS: class suspension in Metro Manila, class suspension in NCR, Palasyo ng Malakanyang, President, class suspension in Metro Manila, class suspension in NCR, Palasyo ng Malakanyang, President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.