Voter registration para sa 2022 elections, sinuspinde dahil sa COVID-19

Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2022 elections.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ito ay bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Epektibo aniya ang suspensyon simula sa Martes, March 10, hanggang sa March 31.

Inabisuhan naman ng Comelec ang publiko na gawin ang lahat ng precautionary measures para malimita ang exposure sa virus.

Read more...