Pangulong Duterte, susunod sa “no touch” policy dahil sa COVID-19

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na susunod si Pangulong Rodrigo Duterte sa “no touch” policy na ipinatutupad ng Presidential Security Group (PSG) bilang tugon sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, palagi namang sinusunod ng pangulo ang payo ng PSG.

Iginiit pa ni Panelo na batid naman ng pangulo na para rin sa kanyang kaligtasan ang “no touch” policy ng PSG.

Una rito, sinabi ni PSG Commander Colonel Jesus Durante III na ipatutupad nila ang “no touch” policy sa pangulo. Ibig sabihin, bawal hawakan ang pangulo, bawal ang handshake, bawal ang beso-beso at bawal ang yakap.

Hindi naman matukoy ni Panelo kung itutuloy pa ni Pangulong Duterte ang nakatakdang pagbisita sa Boracay sa March 12 bilang bahagi ng pagtataguyod ng turismo sa bansa.

Read more...