Mga senador nagpasaklolo sa SC sa isyu ng VFA cancellation
Iniakyat na ng mga senador sa Korte Suprema ang isyu ng kanselasyon sa Visiting Forces Agreement o VFA.
Matatandaan na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termination sa VFA makaraang bawiin ng Amerika ang US Visa ni Senador Ronaldo “Bato” del Rosa.
Dumating ang mga abogado ng opisina ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III para ihain ang “petition for declaratory relief and mandamus.”
Si Senator Sotto ang isa sa mga petitioner habang si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tatayong abogado.
Respondents sa petisyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr.
Ang petisyon ng mga senador ay layong humingi ng clarification o paglilinaw mula sa Korte Suprema kung dapat bang may concurrence ng Mataas na Kapulungan sa abrogation o pagbasura sa treaties o kasunduan ng Pilipinas sa ibang mga bansa, gaya sa Estados Unidos.
Kalakip nito ang Senate Resolution No. 337, na nauna nang inaprubahan sa Senado, na humihimok sa Korte Suprema na i-define o linawin ang otoridad ng Mataas na Kapulungan sa paglusaw sa international agreements.
Bukas, araw ng Martes, March 10 ay may En Banc session ang Korte Suprema. Pero wala pang katiyakan kung makakasama ang petisyon ng mga senador sa agenda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.