#WalangPasok sa Martes (March 10) bunsod ng COVID-19

(UPDATED) Nag-anunsiyo ng suspensyon ng klase ang ilang lugar sa bansa sa araw ng Martes, March 10.

Ito ay bilang pag-iingat sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar:
– Pasay City
– Marikina City (hanggang Miyerkules, March 11)
– Caloocan City (hanggang Miyerkules, March 11)
– Maynila (hanggang March 15)
– Navotas City
– Cainta, Rizal
– Rodriguez, Rizal
– San Mateo, Rizal (hanggang Biyernes, March 13)
– Montalban, Rizal

Sakop ng suspensyon sa mga nabanggit na lugar ang lahat ng antas mula kindergarten hanggang kolehiyo sa mga
pampubliko at pribadong paaralan.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update.

Read more...