Proclamation para sa State Public Health Emergency sa COVID-19, pirmado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 09, 2020 - 12:32 PM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 922 na nagdedeklara ng State Public Health Emergency dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Nilagdaan ng pangulo ang proklamasyon araw ng Linggo, March 8.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health (DOH), 10 kaso na ng COVID-19 ang naitatala sa bansa

Sinabi naman ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa bansa na mahigit sa 100,000 kaso na ng COVID-19 ang naitala sa mahigit 100 bansa.

Pero ayon kay Abeyasinghe, malaki ang posibilidad na makontrol ang COVID-19 na maging global pandemic.

TAGS: COVID-19, Dr. Rabindra Abeyasinghe, Proclamation 922, Rodrigo Duterte, State Public Health Emergency, COVID-19, Dr. Rabindra Abeyasinghe, Proclamation 922, Rodrigo Duterte, State Public Health Emergency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.