Isang pasyente na positibo sa COVID-19, naka-confine sa isang ospital sa Pasig City
Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na isang pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang naka-confine sa isang ospital sa lungsod.
Sa Facebook, sinabi ng alkalde na nananatili ang pasyente sa Medical City.
Nilinaw naman nito na hindi residente ng Pasig ang pasyenteng naka-confine sa Medical City.
Gayunman, mayroon aniyang isang COVID-patient na residente ng Pasig ngunit nananatili sa ibang pribadong ospital sa ibang lungsod.
Sinabi ni Sotto na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang local government unit (LGU) sa Department of Health (DOH).
Nagpapatupad na rin aniya ng precautionary measures base sa inilabas na panuntunan ng DOH at World Health Organization (WHO).
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Contact tracing (most important)
– Response teams na magsasagawa ng proper protocol
– Disinfection sa mga pampublikong lugar
– Kanselasyon ng lahat ng public events at pagtitipon
– Aplikasyon ng permit para sa malaking pagtitipon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.