Face masks at hand sanitizers, dapat gawing libre sa buwis

Hinikayat ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo ang Kongreso na gawing exempted sa pagbabayad ng import duties at local taxes ang face masks, sanitizers at iba pang kahalintulad na produkto.

Ayon kay Castelo, kung ililibre sa buwis ang nasabing mga produkto ay matitiyak ang sapat na supply ng mga ito, stable na presyo at maiiwasan rin ang hoarding sa panahon ng krisis.

Iginiit nito na kailangang bumaha ng health products sa merkado para mapigilan ang pananamantala ng ilang negosyante at maging abot-kaya ang presyo ng produkto.

Bagama’t batid ni Castelo na bahagyang makababawas sa kita ng gobyerno ang pag-exempt sa buwis ng health products, ang kapalit naman anya nito ay kaligtasan ng publiko.

Iminungkahi ito ng kongresista kasunod ng rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na magdeklara na ng State of Public Health Emergency kasunod ng kaso ng local transmission ng COVID-19.

Pinayuhan naman ng mambabatas si Health Sec. Francisco Duque na diretsuhin na ang mga pahayag tungkol sa COVID-19 para alam ng publiko ang tunay na sitwasyon at nagagawa ang nararapat na pag-iingat.

Read more...