Publiko, pinag-iingat ng Tourism Promotions Board sa gitna ng COVID-19 outbreak

By Ricky Brozas March 09, 2020 - 11:35 AM

Pinapayuhan ng Tourism Promotions Board o TPB ang publiko lalo na ang mga turista na patuloy na mag-ingat saanmang bahagi ng bansa sila magtutungo o naroroon.

Ito ay sa gitna pa rin ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19 lalo’t nasa 10 indibidwal na ang positibong tinamaan ng sakit sa Pilipinas at may local transmission na rin, batay sa Department of Health o DOH.

Ayon kay TPB COO Ma. Anthonette Velasco-Allones, mainam na sumunod sa travel advisories at mga health and safety protocols na inilabas ng Department of Tourism o DOT at iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Payo naman aniya ng TPB sa mga Filipino, kung bibiyahe man ay mainam na sa loob na lamang ng Pilipinas at huwag muna sa abroad.

Kahit na may mga positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay masasabing ligtas pa rin ang pagbiyahe sa mga local tourist destination sa ating bansa.

Ang mahalaga rin ay sundin o ugaliin ng lahat ang mga hygiene protocol lalo na sa mga paliparan at mga lugar na pupuntahan.

TAGS: COVID-19 outbreak, Ma. Anthonette Velasco-Allones, tourism promotions board, COVID-19 outbreak, Ma. Anthonette Velasco-Allones, tourism promotions board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.