Dalawang police generals na kasama sa bumagsak na helicopter nakitaan na ng improvement

By Dona Dominguez-Cargullo March 09, 2020 - 11:13 AM

May improvement sa kalagayan ng dalawang police generals na kabilang sa sakay ng nag-crash na helicopter sa San Pedro, Laguna

Ayon kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, nasa ospital pa rin at sumasailalim sa close monitoring sina PNP Director for Intelligence Police Major General Mariel Magaway at Director for Comptrollership Police Major General Jose Maria Ramos.

Base sa huling update na nakuha ng PNP sa kanilang kalagayan ay nakikitaan sila ng improvement.

Kapwa nananatili sa ICU ng ospital ang dalawa.

Samantala, ayon kay Gamboa ang piloto ng chopper na si Police Lieutenant Colonel Ruel Zalatar, co-pilot na si Police Lieutenant Colonel Rico Macawili at crew na si Master Sergeant Louie Estona ay sasailalim pa sa tests at medical procedures pero stable na ang kanilang kondisyon.

Si PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac naman ay nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center noong Sabado ng hapon.

Habang noong Biyernes ay na-discharge na rin ng ospital ang aide de camp ni gamboa na si Police Captain Kevin Gayramara.

Humarap si Gamboa sa media ngayong umaga na mayroong sling sa kaniyang kanang braso.

TAGS: chopper crash, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, two police generals, chopper crash, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, two police generals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.