Pia Wurtzbach, hindi pa lusot sa pagbabayad ng buwis sa bansa – BIR

By Kathleen Betina Aenlle, Len Montaño February 05, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng parangal na ibinigay nito sa Pilipinas ay kailangan pa ring magbayad ng buwis ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa mga napanalunan niya.

Paalala ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, hangga’t walang batas o nakukuhang exemption si Wurtzbach mula sa Kongreso, dapat pa rin siyang magbayad ng buwis.

Paliwanag ni Henares, posibleng bayaran ni Pia ang malaking bahagi ng kaniyang income tax sa Estados Unidos, at nasa isa o dalawang porsyento na lamang ang malamang na ibabayad niya sa Pilipinas.

Naaprubahan na ng House committee ang panukalang batas na mag-eexempt sa Filipina beauty queen na magbayad ng buwis at may nakabinbin pa sa Senado.

Una nang sinabi ni Wurtzbach na hindi naman isyu sa kaniya ang pagbabayad ng buwis sa bansa dahil handa naman siyang gawin ito bilang isang Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.