WATCH: GMRC training sa mga Chinese kailangan na ayon kay Rep. Ong

By Erwin Aguilon March 09, 2020 - 10:37 AM

Nararapat lamang para kay House Committee on Games and Amusement vice chairman at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang hakbang ng PAGCOR na magkaroon ng sensitivity training para sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) ang mga Chinese POGO workers.

Ayon kay Ong, hindi dapat limitado sa mga POGO workers ang training sa GMRC kundi sa lahat ng mga dumarating na taga mainland China sa bansa.

Sinabi nito na hindi racism ang pag-obliga sa mga dunarating na dayuhan na irespeto ang kultura at tradisyon sa Pilipinas.

Paliwanag ni Ong, Nagkakaroon na nang pattern ngayon kung saan nasasangkot sa gulo at krimen ang mga Chinese mainlanders tulad nang drug-trafficking, prostitution, kidnapping, gun-for-hire at money laundering.

Naging notorious rin na aniya ang mga dumarating na Chinese nationals sa pagiging bastos kaya marapat lamang na ipaalala sa mga ito na bagama’t hospitable ang mga Pilipino ay kailangan pa rin nilang sumunod sa batas ng Pilipinas at bigyan nang paggalang ang kultura at trandisyon ng bansa.

Samantala, sabi ni Ong Kailangan ding magsagawa ng regular inspection ang PAGCOR at Bureau of Immigration sa lahat ng POGO facilities at i-audit ang lahat ng mga empleyado nito.

Kinalampag din ng mambabatas ang PAGCOR para bilisan ang pagbibigay ng Gaming Employment License (GEL) identification cards sa lahat ng mga registered Chinese POGO workers.

Makakatulong anya GEL IDs sa monitoring na ginagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19 pagdating naman sa POGO sector.

May report si Erwin Aguilon:

TAGS: Chinese Nationals, coronavirus disease, COVID-19, department of health, GMRC, Health, Inquirer News, pagcor, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, pogo workers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Chinese Nationals, coronavirus disease, COVID-19, department of health, GMRC, Health, Inquirer News, pagcor, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, pogo workers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.