Pulis patay sa pananambang sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo March 09, 2020 - 09:48 AM

Nasawi ang isang pulis makaraang tambangan ito sa Brgy. East Rembo sa Makati City.

Naganap ang pananambang Lunes (March 9) alas 7:05 ng umaga sa bahagi ng JP Rizal.

Ayon kay Makati City Police chief Col. Rogelio Simon, nakilala ang bitkima na si Police Major Jeffrey Dalson.

Nakasakay sa kaniyang nakaparadang sasakyan si Dalson nang dumating ang suspek na sakay ng motorisklo at saka siya pinagbabaril.

Base sa CCTV Footage, nasa likuran ng Ford Everest na may plate number na NAM 5758 si Dalson at nakahinto lang sa tapat ng isang establisyimento.

Dumating ang motorsiklo at bumaba ang gunman, at ilang beses pinaputukan si Dalson.

Makikitang nakikipag-usap pa ang driver ng Ford Everest sa isang lalaki na tauhan ng Avash Trading kung saan nakahinto ang sasakyan ng pulis.

Ayon sa mga saksi, pitong putok ng baril ang kanilang narinig.

TAGS: ambush, Inquirer News, Makati, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Inquirer News, Makati, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.