Walang ‘deployment ban’ ng OFW tungong Latin America-DOLE
Tuloy ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers sa Brazil at sa 27 pang mga bansa sa Latin America na may naitalang kaso ng Zika virus.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, wala pang suspensyon sa pagpapadala ng mga OFW sa mga naturang bansa dahil wala pa namang travel alert na ibinababa ang Department of Foreign Affairs at Department of Health sa ngayon.
Gayunman, kasama na aniya sa isinasagawang mga pre- departure seminar ng Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration ang pagbibigay ng karagdagang impormasyon ukol sa Zika virus.
Sa ngayon, nasa 2,832 lamang ang mga OFW na nakadeploy sa South America batay sa tala ng Commission on Filipinos Overseas.
Matatandaang idineklara na World Health Organization na isang global health emergency ang Zika outbreak sa Latin America.
Ang Zika virus ay karaniwang nakukuha ng mga buntis na ina sa pamamagitan ng kagat ng lamok tulad ng dengue at Chikungunya.
Nagdudulot ito ng mental at physical defects sa mga sanggol na nasa kanilang sinapupunan na tinatawag na microcephaly.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.