Lockdown hindi ipatutupad sa Malakanyang complex

By Chona Yu March 09, 2020 - 08:28 AM

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO
Tiniyak ni Presidential spokesman Salvador Panelo na walang lockdown o hindi isasara sa publiko ang Malakanyang Complex sa Maynila.

Ito ay kahit na naka-Code Red na ang Pilipinas dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Panelo, hindi naman crowded o mataong lugar ang Malakanyang Complex.

Base aniya sa abiso ng Department of Health (DOH), ang tanging pinapakansela ay ang mga malalaking pagtitipon kung saan dagsa ang mga tao.

Una nang sinabi ni Panelo na walang nakikitang rason ang Palasyo na suspindehin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil hindi naman crowded ang mga ito.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, lockdown, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, lockdown, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.