19 na volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag

Patuloy pa ring nakakapagtala ng aktibidad sa Bulkang Taal.

Base sa volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na naitala ang 19 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Maliban dito, patuloy din ang pagbubuga ng steam-laden plumes na may taas na 300 hanggang 500 metro.

Dahil dito, nananatili pa rin ang bulkan sa Alert Level 2.

Sinabi ng Phivolcs na posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs na makapasok ang sinuman sa Taal Volcano Island at permanent danger zone ng bulkan.

Read more...