PNP chief Gamboa balik-trabaho na ngayong araw
Nakabalik na sa trabaho si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa.
Ito ay matapos bumagsak ang sinakyang chopper sa San Pedro, Laguna noong March 5.
Pinangunahan ni Gamboa ang idinaos na flag-raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City, Lunes ng umaga
(March 9).
Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat ang PNP chief sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa kanilang mabilis na
paggaling.
Patuloy naman aniyang ipagdasal ang paggaling ng iba pang sakay ng chopper na sina Maj. Gen. Jose Maria Ramos, PNP Director for Comptrollership; at Maj. Gen. Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence, na nananatili pa rin sa ospital.
Pagkatapos ng flag-raising ceremony, sinabi ni Gamboa na magdaraos ng misa.
“I’d like to thank everybody for your prayers and I hope that you continue to pray for me, for the passengers, and for the Philippine National Police as a whole,” ayon sa PNP chief.
Muling hinikayat ni Gamboa ang publiko na huwag magkalat ng mga maling impormasyon at ispekulasyon ukol sa aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.