Magnitude 4.4 na lindol naitala sa Dolores, Eastern Samar

By Angellic Jordan March 09, 2020 - 08:03 AM

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Dolores, Eastern Samar Lunes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 49 kilometers Southeast ng Dolores bandang 7:39 ng umaga.

5 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 2 sa Borongan City
Intensity 1 sa Palo, Leyte

Wala namang naitalang pinsala sa lugar at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Ito na ang ikaapat na may kalakasang pagyanig sa bayan ng Dolores ngayong araw.

Unang naitala ang magnitude 4.7 kaninang 1:04 ng madaling araw.

Na nasundan ng magnitude 3.1 at 4.4 kaninang 1:47 ng madaling araw at 2:03 ng madaling araw.

TAGS: Dolores, earthquake, eastern samar, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Dolores, earthquake, eastern samar, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.