Pinoy crew na inilikas mula sa MV Quantum of the Seas na nakadaong sa Manila Bay maayos na ang kondisyon

Nasa mabuting kondisyon na ang isang Filipino Crew na kahapon ay inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa MV Quantum of the Seas na nakadaong sa Manila Bay.

Ayon sa Coast Guard, stable na ang kondisyon ng Pinoy na dinala sa Manila Doctor’s Hospital.

Kahapon ng umaga nakatanggap ng tawag ang Coast Guard mula sa MV Quantum of the Seas at humingi ng tulong para mailikas ang Pinoy crew dahil nagtamo ito ng 2nd degree burn sa braso at binti.

Agad pinadala ng Coast Guard ang BRP Tubattaha at maayos na nailikas ang Pinoy.

Iniimbestigahan pa ng Coast Guard kung ano ang dahilan ng natamong injury ng Pinoy Crew.

Read more...