Klase sa Lingayen, Pangasinan suspendido dahil sa COVID-19 scare
Suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lingayen, Pangasinan.
Ito ay bahagi ng precautionary measures para maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.
Nakasaad sa Executive Order na nilagdaan ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na ang suspensyon ng klase ay kasunod ng pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong isang babae ang dumalo sa isang kasalan sa Lingayen.
Ang naturang babae ay nagpositibo sa COVID-19 nang siya ay makabalik sa Australia.
Inatasan ni Bataoil ang mga school official at administrator na magsagawa ng sanitation at i-disinfect ang kanilang mga pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.