Mga pasilidad at gusali ng SBMA isinailalim sa disinfection

Sinimulan na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang pagsasagawa ng disinfection process sa kanilang mga gusali at pasilidad.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa SBMA, isasagawa ang disinfection sa mga lugar na madalas puntahan at hawakan ng mga tao sa kanilang opisina.

“Other health safety protocols previously announced by SBMA with regards to the ban on people, ships and aircraft coming from COVID 19-affected countries, as well as voluntary quarantine of those who traveled abroad and thermal scanning at SBFZ gates for foreign visitors, will remain in force,” pahayag pa nito.

Hinikayat naman ng SBMA ang publiko na ugaliin ang pagsasagawa ng proper hygiene.

“Let us protect ourselves and keep the Subic Bay Freeport safe,” dagdag pa nito.

Read more...