Divilacan, Isabela niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Divilacan sa lalawigan ng Isabela.

Naitala ang pagyanig alas 6:33 ng umaga ng Lunes March 9 sa layong 42 kilometers northeast ng Divilacan.

May lalim lang na 2 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...