Halos buong bansa apektado ng easterlies; mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan ayon sa PAGASA
Apektado ng easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Pacifico ang halos buong bansa.
Ayon sa PAGASA, bagaman magiging maaliwalas ang panahon ngayong araw ay mainit at at maalinsangan ang panahong mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Magkakaroon din ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA gaya kahapon, ngayong araw ay maaring umabot sa 35 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila.
Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa.
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.