Malalakas na pagyanig naitala sa Dolores, Eastern Samar
Niyanig ng malalakas na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Unang naitala ang magnitude 4.7 na pagyanig sa 43 kilometers Southeast ng bayan ng Dolores, ala-1:04 madaling araw ng Lunes (March 9).
Ayon sa Phivolcs may lalim na 7 kilometers ang pagyanig.
Naitala naman ang instrumental intensity II sa Borongan City.
Sumunod na naitala ay ang magnitude 3.1 na pagyanig.
Ang lindol ay naitala sa 55 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Dolores at may lalim na 5 kilometers, ala-1:47 ng madaling araw.
Magnitude 4.4 na pagyanig naman ang naitala alas-2:03 ng madaling araw sa 66 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Dolores at may lalim na 3 kilometers.
Naitala ang instrumental intensity III sa Borongan City at instrumental intensity I sa Palo, Leyte bunsod ng pagyanig.
Tectonic ang origin ng mga lindol.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at hndi naman inaasahan ang after shocks matapos ang tatlong malalakas na pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.