Mainit na temperatura naitala sa malaking bahagi ng bansa kahapon
Nakapagtala ng mainit na temperatura ang PAGASA sa malaking bahagi ng bansa kahapon.
Kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura.
Ayon sa PAGASA, ang limang lugar kung saan nakapagtala ng highest temperatures kahapon March 8 ay ang mga sumusunod:
Tuguegerao City – 35.5 degrees Celsius
Pasay City – 35. 5 degrees Celsius
Pagasa Science Garden, QC – 35 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 34.9 degrees Celsius
Butuan City – 33.3 degrees Celsius
Ang heat index na naitala sa Quezon City ay umabot sa 39 degrees Celsius.
Ayon sa PAGASA, humina na ang northeast monsoon o amihan habang lumakas naman ang epekto ng easterlies sa bansa.
Ibig sabihin papalapit na ang panahon ng tag-init.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.