Palasyo sa pag-aaral ng ADB: “Ganyan talaga ang realidad”

Ganyan talaga ang reyalidad.

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa ginawnag pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) kung saan tinatayang aabot sa $669 milyon at 250,000 na trabaho ang pinangangambahang mawala dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na global at international na usapin ang COVID-19 at hindi lamang lokal na problema.

Pero ayon kay Panelo, may ginagawa nang hakbang ang economic managers ni Pangulong Duterte para maibsan ang dagok sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa COVID-19.

Hindi kasi aniya mapipigilan ang pagkalugi o pagbagsak ng ekonomiya dahil sa sakit.

Matatandaang ilang manggagawa na sa Philippine Airlines (PAL) ang tinanggal sa trabaho dahil sa COVID-19.

Read more...