Palasyo sa pag-aaral ng ADB: “Ganyan talaga ang realidad”

By Chona Yu March 08, 2020 - 06:40 PM

Ganyan talaga ang reyalidad.

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa ginawnag pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) kung saan tinatayang aabot sa $669 milyon at 250,000 na trabaho ang pinangangambahang mawala dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na global at international na usapin ang COVID-19 at hindi lamang lokal na problema.

Pero ayon kay Panelo, may ginagawa nang hakbang ang economic managers ni Pangulong Duterte para maibsan ang dagok sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa COVID-19.

Hindi kasi aniya mapipigilan ang pagkalugi o pagbagsak ng ekonomiya dahil sa sakit.

Matatandaang ilang manggagawa na sa Philippine Airlines (PAL) ang tinanggal sa trabaho dahil sa COVID-19.

TAGS: asian development bank, COVID-19, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, asian development bank, COVID-19, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.