Kiblawan, Davao Del Sur niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.4 na lindol sa Kiblawan, Davao del Sur Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 18 kilometers Southwest ng Kiblawan dakong 3:27 ng hapon.

May lalim ang lindol na 27 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na nasira sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...