MRT-3, may handog na libreng sakay para sa mga kababaihan sa March 8

By Angellic Jordan March 07, 2020 - 06:46 PM

May handog na libreng sakay din para sa mga kababaihan ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Batay sa anunsiyo ng DOTr MRT-3, ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Libreng makakasakay ang mga kababaihan sa araw ng Linggo, March 8.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magsisimula ang libreng sakay bandang 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

TAGS: DOTr MRT 3, libreng sakay, libreng sakay sa March 8, National Women's Month, DOTr MRT 3, libreng sakay, libreng sakay sa March 8, National Women's Month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.