Gusali ng kumpanyang pinapasukan ng empleyadong nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig, pansamantalang isasara
Pansamantalang isasara ang gusali kung saan tenant ang kumanpanyang Deloitte Philippines, Sabado ng gabi.
Ito ay makaraang magpositibo ang isa nitong empleyado sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon sa NEO Property Management Inc., simula 7:00, Sabado ng gabi, isasara ang gusali para magsagawa ng disinfection.
Magsasagawa rin ng sanitation process sa mga elevator at lobby ng lahat ng NEO buildings.
“NEO Property Management Inc. is taking all necessary and extensive measures to limit the spread of the virus,” dagdag ng kumpanya.
Inabisuhan din nito ang lahat ng tenant na i-review ang travel history at plano ng kanilang mga staff.
Pinatututukan din nito ang kalusugan ng lahat ng staff na kababalik lamang ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Sinabi rin nito na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para magabayan sila sa pag-iwas na kumalat ang nasabing virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.