Suspensiyon ng klase sa Navotas sa Marso 9 dahil sa COVID-19, inalmahan ni Duque

By Ricky Brozas March 07, 2020 - 05:46 PM

Pumalag si Health Secretary Francisco Duque III sa suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Lungsod ng Navotas dahil sa kaso ng local transmission ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sinabi ng kalihim na hindi maganda ang idudulot sa publiko ng nasabing direktiba ni Navotas City Mayor Toby Tiangco.

Una rito ay idineklara ni Tiangco na kanselado ang klase ng mga estudyante sa lahat ng antas pribado at pampubliko kasabay din ang panawagan niya sa Department of Education (DepEd) na ipasa ang lahat ng mag-aaral dulot ng Coronavirus.

Ngunit ayon kay Duque, hindi iyon dapat ginawa ng alkalde dahil magdudulot iyon ng pangamba sa publiko o maaaring magpalala ng sitwasyon.

Pinaaalalahanan ng kalihim sa publiko na sa DOH lamang makinig kaugnay sa mga advisory o abiso patungkol sa Coronavirus.

TAGS: COVID-19, deped, doh, Sec. Francisco Duque III, suspension of classes, COVID-19, deped, doh, Sec. Francisco Duque III, suspension of classes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.