PCG, may libreng sakay kasabay ng National Women’s Month
May handog ang Philippine Coast Guard (PCG) na libreng sakay para sa mga kababaihan at transgender women ngayong buwan ng Marso.
Ito ay kasunod ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Ayon sa PCG, ilulunsad ang “ARANGKADA: Libreng Sakay Para kay Juana” sa araw ng Lunes, March 9.
Sa pamamagitan ng Coast Guard Gender and Development Office, magkakaroon ng libreng sakay papunta at mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Mall of Asia (MOA), Anda Circle, at Port Area tuwing araw ng Lunes at Biyernes sa buwan ng Marso.
Opisyal anilang magsisimula ang libreng sakay sa Lunes mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga sa PITX bilang point of origin sa pang-umagang iskedyul.
5:30 ng hapon hanggang 6:30 ng hapon naman ang libreng sakay mula Port Area at Anda Circle bilang point of origin sa pang-hapon na iskedyul.
Sinabi ng PCG na walang kailangang iprisintang ID para makapag-avail ng libreng sakay.
Dagdag ng ahensya, sakaling mayroong nalalabing upuan, maaari ring makapag-avail ang mga lalaki ng libreng sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.