9 na barangay sa 1 bayan sa Cagayan apektado ng ASF

Kinumpirma ni Acting Cgaayan Provincial Veterinarian Noli V. Buen na may naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa siyamna barangay ng Solana, Cagayan.

Ito ay matapos magpositibo sa resulta ng pagsusuri sa blood sample ang mga backyard hog raiser na mula sa barangay Bauan East, Andarayan South, Andarayan North, Bantay, Ubong, Bangag, Sampaguita, Lanna at Pataya Solana.

Isinailalim na sa culling at ibnaon ang nasa 54 na baboy mula sa Solana para maiwasan ang posibleng pagkalat pa ng ASF.

Inihahanda na rin sa ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ang maaring tulong pinansyal sa mga may-ari ng mga baboy.

Idinagdag pa ni Dr. Buen na mahigpit ang ginagawang checkpoints ng PVO kasama ang mga Municipal Agriculturist ng bawat bayan sa Cagayan, Livestock Technicians, TFLC at ilang miyembro ng PNP.

Iminungkahi na rin na isama sa checkpoints ang ilang miyembro ng Marines para mabantayan ang mga ilog na maari ding daanan.

Excerpt: 54 na baboy na ang kinatay sa bayan ng Solana.

Read more...