WATCH: Police chief sa isang bayan sa Cebu inaresto matapos mahuling kasama sa kwarto ang isang babaeng preso
Huli sa akto ang isang hepe ng pulis sa isang bayan sa Cebu na kasama sa kaniyang kwarto ang isang babaeng preso.
Ibinahagi ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang video ng pagkakahuli sa 46-anyos na hepe ng Argao police na si Major Idelfonso Miranda Jr.
Nahuli siya na kasama sa kaniyang quarter ang 23-anyos na babaeng preso.
Isang 40 anyos na babaeng preso din ang natagpuan sa kaniyang opisina.
Ayo kay Colonal Ronald Lee, director ng integrity enforcement group, ang dalawang babae ay kapwa naaresto sa kasong may kaugnayan sailegfal na droga.
Mahaharap si Miranda sa mga kasong bribery, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Article 156 ng Revised Penal Code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.