Hinoba-an, Negros Occidental niyanig ng magnitude 3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Hinoba-an, Negros Occidental.

Naitala ang pagyanig sa layong 31 kilometers southwest ng Hinoba-an alas 6:46 ng gabi ng Biyernes, March 6.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 31 kilometers.

Naitala ang instrumental intensity I sa Sipalay City,Negros Occidental bunsod ng naturang lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...